Sondo Ai Default Title
user-iTGfPSa kapilya una kitang nakita
Isang mang-aawit na ubod ng ganda
Hindi ko namalayan, aking sinta
Puso ko pala'y nabihag mo bigla
O aking binibining kadiwa
Kailan mo kaya ako mapapansin
Ang aking inuukol na paghanga
Sa iyong mukhang kay-gandang tingnan
Tila mga anghel ang umaawit
Kapag ika'y kumakanta ng mga hymnong pangsamba
Nagagalak ang aking kaluluwa
Sa tuwing napagmamasdan kita sa koro, sinta
Taga-ibang lokal ka man, ako ay lubos na umaasa
Sa pag-ibig sa unang tingin na sa puso ko'y nag-umpisa
Hindi lang sa panlabas ang taglay mong kagandahan
Madadama rin ang napakabait mong kalooban
Kaya ang isang katulad kong makata
Lalong nabighani sa katulad mo, sinta
Ngunit alam kong ito ay pangarap lang yata
Kaya itinatago na lang muna sa isang tula
Tila mga anghel ang umaawit
Kapag ika'y kumakanta ng mga hymnong pangsamba
Nagagalak ang aking kaluluwa
Sa tuwing napagmamasdan kita sa koro, sinta
Taga-ibang lokal ka man, ako ay lubos na umaasa
Sa pag-ibig sa unang tingin na sa puso ko'y nag-umpisa
Hindi ko man maamin sa iyo nang harapan
Nawa'y ito ay iyong maunawaan
Dahil ang katulad ko ay hindi ganoon katapang
Upang ipagtapat ang aking nararamdaman
Kaya sa kaunting sulat ko na lang ipapaalam
Ang tinatagong pagmamahal na sana'y iyong matuklasan
Tila mga anghel ang umaawit
Kapag ika'y kumakanta ng mga hymnong pangsamba
Nagagalak ang aking kaluluwa
Sa tuwing napagmamasdan kita sa koro, sinta
Taga-ibang lokal ka man, ako ay lubos na umaasa
Sa pag-ibig sa unang tingin na sa puso ko'y nag-umpisa.Bahala na kung maabot ka ng aking patama
Basta't taga-ibang lokal ka man, ako'y maghihintay, sinta
Ipapaubaya na lang sa kaunting sulat at tula
Pag-ibig sa unang tingin... ng isang mang-aawit